Monday, June 6, 2011

Kahalagahan ng Paghinto sa Pag-inom ng Alak

Ang mga taong naghihirap dahil sa kondisyon ng alcohol addiction ay nag-iisip kung paano sila makakahinto sa pag-inom. Sa dami ng kanilang problemang kinakaharap, nagpaplano sila na huminto ngunit hindi nila magawa dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ang mga taong ito ay maaaring dumating sa punto ng kanilang buhay na hayaan na lamang ang kanilang problema o ipagpatuloy na lamang ang kanilang bisyo dahil sa kakulangan ng mahanap na tulong para sa kanila.

Ngunit, mayroon nga bang paraan o mga paraan upang maitigil ang pag-inom ng alak? Ang sagot dito ay OO. Maraming paraan upang malabanan ang sakit na alcoholism. Maraming programa ang pwedeng isakatuparan upang maitigil ang labis na paglalasing. Maraming epektibong hakbang para makaalis sa pagkakalulong sa alcohol. Kahit na ang isang tao ay may malalang kondisyon, maaari pa rin siyang magamot at mabigyan ng lunas at makapamuhay ng normal sa ating panahon. Hindi katapusan ng buhay ang sakit na alcoholism. Ito ay isa lamang sakit na maaaring magamot sa pamamagitan ng mga medikal o natural na paraan.

Ngunit hindi madali ang mga gawaing ito. Ang alcohol ay isang malakas na substance na nakakapagpahina ng katauhan kaya’t kinakailangan na maipanumbalik muna ang tiwal sa sarili na kayang gawin ang pagtigil sa pag-inom. Ang pagbabagong nais na makamit ay makukuha kung ang isang tao ay may lubos na pagpapahalaga sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa. Ito rin ang magiging mga dahilan niya upang piliting mapaglabanan ang alak.

May mga medikal na paraan upang makaalis sa alcohol addiction. Ang mga ito ay inihahatol sa isang alcoholic kung siya ay nasa s\estado ng pagiging talamak at maraming withdrawal symptoms ang maaaring maranasan. Ang pagkatalamak sa alcohol ay delikadong sitwasyon at nangangailangan ng seryosong pansin upang matalo.

May mga rehabilitation center na maaaring pasukan upang makatulong na magamot ang alcoholism. Ang mga doktor na narito ay eksperto sa mga ganitong kondisyon at bihasa sa mga solusyon at anumang kakaharaping problema pagdating sa mga bagay na ito. Hindi kailangan na gumastos ng malaki sapagkat may mga ahensya ang pamahalaan na makatutulong sa mga taong may karamdaman na ito at laging bukas ang mga tanggapan. Kailangan lamang na kumonsulta sa kanila upang malaman mo ang mga programang nababagay sa iyo.

Kung isa ka sa mga taong may malubhang kondisyon ng alcohol addiction o may kakilala, kaibigan o kapamilya na ninanais mong tulungan na makaalis sa ganitong kondisyon, mahalaga na maunawaan muna ang mga bagay na kaakibat ng alcohol addiction upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan at buhay.

No comments: