Saturday, July 2, 2011

Paano Makakatulong ang Alcohol Rehabilitation Centers

Paano Makakatulong ang Alcohol Rehabilitation Centers

Ang pag-inom ng regular na dami ng alak at ang paminsan-minsang pagkonsumo nito ay maaari ring maging daan upang makapagdulot ng addiction sa isang tao. Maaaring maging isang masama at malakas na bisyo ang anumang gawain na paulit-ulit na nangyayari at patuloy na ginagawang isang tao. Ang pag-inom ng alak ay hindi naiiba sa ganitong pangyayari. Kung ang isang tao ay palaging umiinom kahit na sabihin pang kaunti lamang ang pagkonsumo ng alcohol ay posible ring magkaroon ng isang malakas na addiction na makasisira sa kanyang buhay at kinabukasan. Ang pangyayaring ito ay magiging daan din sa pagkakalayo niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Maraming problema ang maaaring maidulot ng alcohol addiction sa isang tao. At mas maraming problema ang maaaring dumating kung lalo pang tatagal ang addiction na iyon sa sistema niya. Nakakatakot isipin na maraming buhay at personalidad ang nawasak na at patuloy na sinisira dahil lamang sa hindi mapigilang pag-inom at ang pag-abuso sa alcohol. Maraming masasamang balita sa radio at sa TV na ang sangkot ay ang mga taong hindi makontrol ang kanilang paglalasing. Hindi na rin mabilang ang datos kung saan ang mga aksidenteng nagaganap ay dahil sa pagmamaneho ng nakainom at lasing sa kalsada.

Maraming alcoholic ang ipinagkakaila ang kanilang kondisyon at isa ito sa nagiging dahilan kung bakit hindi nila makita ang kanilang mga tunay na sitwasyon. Gayundin ang mga negatibong epekto ng alcohol sa kanilang kalusugan at pamumuhay. Isa rin ito sa dahilan kung bakit humihirap ang kanilang pag-alis at pagtigil sa bisyo.

Walang ibang paraan upang maitigil ang mga problemang ito kundi ang tumigil na sa pag-inom at maging malaya sa pagiging alipin ng alcohol. Kahit na ano pang sabihin, ang pag-inom ng alak ay walang maibubungang kabutihan bagkus ay makapagdadala lamang ng mga gulo at problema sa ating buhay.

Ang pinakamainam na gamot sa isang taong nalulong na sa alcohol ay ang pagdadala sa kanya sa isang alcohol rehabilitation center. Ang center na ito ay isang pasilidad na nangangalaga at tumitingin sa kondisyon ng mga alcoholic na may malalang sitwasyon at kalagayan.

Nakapagbibigay ng tumpak at lugar ang isang pasilidad na ito upang matulungang mailayo ang isang tao sa kanyang kapaligiran na siyang unang tukso sa pag-inom ng alak. Isang malakas na puwersa ang mga kaibigan at mga kakilala upang lalo pang umabuso sa bisyo ng pag-inom kaya mas mabuting mailayo muna pansamantala ang isang tao sa kanyang komunidad na ginagalawan.

Sa isang alcohol rehabilitation facility, ipatutupad ang isang programa laban sa alcohol addiction na karaniwang tumatagal nang 6 na buwan hanggang isang taon, depende sa kondisyon ng isang pasyente. Ang layunin ng tagal ng gamutan ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang isang tao na tumigil sa pag-alcohol at mabigyan din ng pagkakataon upang makalaya sa kanyang bisyo.

Binibigyan din ng mga gamot ang isang pasyente upang hindi niya maramdaman ang labis na withdrawal symptoms at upang lumuwag-luwag ang kanyang pakiramdam

Wednesday, June 15, 2011

Stop Drinking Alcohol Now Before It’s Too Late

It is best to stop drinking alcohol before you find yourself in deeper troubles. You should open your eyes and look at people whose lives are ruined by alcohol. Regardless of status, wealth and age, they are hooked to the substance and it seems that they cannot get out of the situation. They need to overcome a lot of sufferings before they realized it is not easy to put an end to their drinking problems. If only they do something about it earlier, they might overcome alcohol issues.

Regular drinking of alcohol even in small amount can lead to addiction in the long run. It is a dangerous habit that can become a serious condition and can lead to bigger problems in the future. An individual who often binge drinks is more likely to be hooked to the habit even without him knowing it. Drinking is a habitual activity and can turn out into a full blown addiction if not given the proper attention. It will slowly go through the system and before we know it, alcohol completely manage to control our personalities and behaviors.

Many alcoholics deny their drinking problems. Many people with drinking problems are still in the process of not admitting their conditions and this makes the situation even more difficult. It is also the reason why they refuse to undergo alcoholism treatment and choose to continue their drinking habit. They pretend they do not have problems and continue with what they think is right for their lives. They allow alcohol rule over. In spite of the warnings and confrontations of family and friends, they still do not seek help and say no to all suggestions.

There are many negative side effects of alcohol addiction in one’s life. Just like any kind of addiction, it can ruin family and personal relationships. It can take away the promising opportunity of an individual. It can also damage the personality and behavior of a person who will ignore his condition.

Medical technology has not yet found a specific pill or drugs that will make a person stops drinking alcohol. Many medications that are discovered are basically focused for decreasing withdrawal symptoms. Others are given to create negative reaction when someone drinks alcohol. In summary, no pill or magic drug that can instantly make a person stops his drinking problems.

It is ourselves that need to act. It is us that require solving our issues. We have to find suitable and appropriate techniques that can help us stop drinking alcohol.

Monday, June 6, 2011

Kahalagahan ng Paghinto sa Pag-inom ng Alak

Ang mga taong naghihirap dahil sa kondisyon ng alcohol addiction ay nag-iisip kung paano sila makakahinto sa pag-inom. Sa dami ng kanilang problemang kinakaharap, nagpaplano sila na huminto ngunit hindi nila magawa dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ang mga taong ito ay maaaring dumating sa punto ng kanilang buhay na hayaan na lamang ang kanilang problema o ipagpatuloy na lamang ang kanilang bisyo dahil sa kakulangan ng mahanap na tulong para sa kanila.

Ngunit, mayroon nga bang paraan o mga paraan upang maitigil ang pag-inom ng alak? Ang sagot dito ay OO. Maraming paraan upang malabanan ang sakit na alcoholism. Maraming programa ang pwedeng isakatuparan upang maitigil ang labis na paglalasing. Maraming epektibong hakbang para makaalis sa pagkakalulong sa alcohol. Kahit na ang isang tao ay may malalang kondisyon, maaari pa rin siyang magamot at mabigyan ng lunas at makapamuhay ng normal sa ating panahon. Hindi katapusan ng buhay ang sakit na alcoholism. Ito ay isa lamang sakit na maaaring magamot sa pamamagitan ng mga medikal o natural na paraan.

Ngunit hindi madali ang mga gawaing ito. Ang alcohol ay isang malakas na substance na nakakapagpahina ng katauhan kaya’t kinakailangan na maipanumbalik muna ang tiwal sa sarili na kayang gawin ang pagtigil sa pag-inom. Ang pagbabagong nais na makamit ay makukuha kung ang isang tao ay may lubos na pagpapahalaga sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa. Ito rin ang magiging mga dahilan niya upang piliting mapaglabanan ang alak.

May mga medikal na paraan upang makaalis sa alcohol addiction. Ang mga ito ay inihahatol sa isang alcoholic kung siya ay nasa s\estado ng pagiging talamak at maraming withdrawal symptoms ang maaaring maranasan. Ang pagkatalamak sa alcohol ay delikadong sitwasyon at nangangailangan ng seryosong pansin upang matalo.

May mga rehabilitation center na maaaring pasukan upang makatulong na magamot ang alcoholism. Ang mga doktor na narito ay eksperto sa mga ganitong kondisyon at bihasa sa mga solusyon at anumang kakaharaping problema pagdating sa mga bagay na ito. Hindi kailangan na gumastos ng malaki sapagkat may mga ahensya ang pamahalaan na makatutulong sa mga taong may karamdaman na ito at laging bukas ang mga tanggapan. Kailangan lamang na kumonsulta sa kanila upang malaman mo ang mga programang nababagay sa iyo.

Kung isa ka sa mga taong may malubhang kondisyon ng alcohol addiction o may kakilala, kaibigan o kapamilya na ninanais mong tulungan na makaalis sa ganitong kondisyon, mahalaga na maunawaan muna ang mga bagay na kaakibat ng alcohol addiction upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan at buhay.

Saturday, May 28, 2011

Preventing Alcoholism

How to Stop Alcoholism

I want to share all some basic ideas and information on how to give up the habit of drinking. There are ways to stop drinking alcohol. You only need motivate yourself about stopping drinking.

A lot of people are addicted to a certain substance like alcohol but can't get out of alcohol addiction because of some reasons. It seems that the matter doesn't bother them, don't aware of it or they know it but ignore the situation. Another reason is because of lack of knowledge about stop drinking programs and negative effects of alcohol addiction in their lives and to the lives of the people around them.

They are hooked to alcohol because it is one substance that is legally promoted, cheap and can be bought by anyone in any given time and is almost readily available anywhere. It is a huge business which is legally promoted despite of consequences it brings to people's lives.

These people require assistance to help them understand the reality of the consequences. If they continue being hooked to alcoholism without them knowing it, or without proper treatments, they will have to double the effort in stopping drinking when they decided to give up the habit for good. The longer they are addicted to the substance and the longer they ignore the complications, the harder it will become in getting out of that particular situation. Stop drinking alcohol requires a lot of effort to be able to get out of the habit of drinking for good and to be able not to get back to the habit as well. If the right treatments for alcoholism are not introduced at the proper time, it may become a huge problem in the end.

In order to stop drinking alcohol, you have to be self-motivated. Kicking off the habit of drinking excessively, stopping drinking alcohol or just decreasing the consumption is a complicated job just like avoiding all the problems involve. Applying stop drinking programs and beating alcoholism is not an easy task as well because it needs a lot of determination and courage to stop drinking and to live a normal, healthier and fruitful life.

If you are addicted to alcohol and you want to stop drinking now because you realized that the addiction brings a lot of problems in your life, then this is the time you should seek for effective stop drinking programs. Alcoholics can recover from alcohol addiction and it is possible to live a better life after stopping drinking. There are certain cases wherein an alcoholic who stop drinking doesn't make it to recover for the reason that they have little motivation to keep them from not drinking again and maintain their sobriety. They may have relapses and they may drink again after experiencing withdrawal symptoms and feelings of alcohol cravings which can be very difficult to overcome especially when it needs medications. Treatments for alcoholism and alcoholic addiction can be hard to deal with because of side effects and complications but it is treatable.

Wednesday, May 4, 2011

Alamin sa mga Doktor ang mga Dapat Malaman

Huwag mong isipin na ang mga hakbang at programang maaaring makatulong sa iyo sa pag-alis ng iyong bisyo sa alak ang siya lamang gawain na makakapagpahinto sa iyo sa madaling paraan. Ang pinakamahalagang bagay na nakapaloob dito ay ang kagustuhan mo na tumigil at manatiling hindi umiinom. Ang iyong sarili at ang iyong pagnanais na maitigil ang bisyo ang siyang pinakamahalagang bahagi sa ikatatagumpay ng iyong mga plano at mithiin. Ito ang siyang magdidikta kung anong level ng tagumpay ang iyong makakamit at hindi ang anumang mga programa na ipatutupad mo. Ang mga paraan ng gamutan ay magiging daan mo lamang sa paghinto at hindi ito isang magic wand na makapagpapaalis sa iyong mga problema sa isang kumpas lamang.

Hindi lahat ng tao ay makakatulong sa iyong paghinto. At hindi ang mga tao ang tanging paraan upang magamot ang iyong mga karamdaman tungkol sa alcoholism. Ang pinakaimportante ay ang iyong sariling pagnanais na makaalis sa sitwasyong ito at ang iyong mga kilos na siyang magdadala sa iyong mga paa tungo sa landas na dapat mong tahakin. Ikaw ang driver ng iyong buhay at kung saan man ikaw tutungo ay depende na sa iyong pagpihit ng manibela ng iyong buhay. Ang paggaling sa anumang addiction, partikular na ang alcohol addiction na iyong kinasasadlakan sa kasalukuyan ay bunga ng iyong matibay at malakas na desisyon tungo sa pagbabago.

Kahit na anong ganda ng programang iyong ia-apply sa alcoholism, o kahit na anong tibay at lakas ng epektong idinudulot nito sa iba pang mga alcoholic, hindi sapat iyon upang ikaw ay gumaling at makapagbago. Iba-iba ang sitwasyon at kondisyon ng mga tao. Kung anuman ang gamot o programang naging daan upang ang isang tao, ako halimbawa, ay hindi ibig sabihin na ganoon ding mga hakbang ang pwede o maaaring makapagpahinto sa inyo sa pag-inom ng alak. Nasa sa iyong mga hakbang, paraan, pagnanais at pagpapanatili sa labas ng alcohol ang siyang pagdidikta kung ikaw ba ay maaaring makaalis sa mga ganitong sitwasyon.

Ang dapat mong tandaan ay kung paano mo mapalalakas ang iyong kagustuhan na mapaglabanan ang anumang negatibong nararamdaman. Ang mga alcohol withdrawal symptoms ay maaaring maging hadlang sa iyo. At kadalasang nagiging dahilan nga ito upang ang isang tao na sumusubok na umalis sa alcohol ay manumbalik sa kaniyang nakagawiang bisyo. Ang mga masasamang simtomas na mararanasan ang makapagpapahina sa iyong motivation na makakawala sa alcohol addiction. Kaya nararapat lamang na maging matalino o magkaroon ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga alcohol withdrawal symptoms upang mapaglabanan at malagpasan ang mga ito sa panahon na ito’y umatake.

Bumisita sa isang espesyalista na higit na nakakaunawa kaysa sa iyo sa mga bagay na ito at magtanong tungkol sa mga bagay na hindi mo maunawaan at may malalim na mga palaisipan. Ang mga doktor na nakakaalam ng mga impormasyon ay siyang lubusang makapagpapaliwanag sa iyong kondisyon at magiging kondisyon sa ilalim ng gamutang iyong isinasakatuparan. Huwag maging ugali ang paglalapat ng lunas na hango sa mga sabi-sabi at haka-haka lamang ng mga tao bagkus ay ituon ang pansin na malaman ito sa mga dedikadong mga tao tulad ng mga eksperto sa alcoholism.